
Sa pagdiriwang ng ika-70 taong Kapistahan ng Parokya ni San Antonio de Padua ng Aloneros, Guinayangan, Quezon, isinagawa ang isang Konselebradong Banal na Misa bilang pasasalamat sa pitumpung taon ng biyaya, pananampalataya, at paglilingkod ng ating parokya.
Pinangunahan ito ng ating mahal na Obispo, Euginius Cañete, M.J., D.D., ng ating Lingkod Pari Reb. P. Renante V. Malimata kasama ang mga pari mula sa Diocese of Gumaca at iba pang mga panauhing pari.
Nawa’y patuloy na maging buhay na saksi ang ating pamayanan sa pagmamahal at paggabay ng Diyos sa pamamagitan ng ating patrong si Saint Anthony of Padua. Sa paggunita ng ating ika-70 anibersaryo, sama-sama nating ipagpasalamat ang mga biyayang ating tinanggap at ipagpatuloy ang misyon ng
Simbahan para sa susunod pang mga henerasyon.
“Pitumpung taon ng pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod para sa higit na kaluwalhatian ng Diyos.”

