
Isang makasaysayan at pinagpalang yugto sa buhay ng ating Parokya ang nasaksihan sa isinagawang Groundbreaking Ceremony para sa pagpapatayo ng bagong simbahan—isang tahanan ng pananalangin, pananampalataya, at pagkakaisa ng sambayanang Kristiyano.
Pinangunahan ang banal na gawain ng ating mahal na Obispo,
Lubhang Kagalang-galang Euginius Cañete, MJ, D.D.
Lingkod Pari Reb. P. Renante V. Malimata.
Mga bisitang Pari
Mayor Cesar Isaac III sa katauhan ng kanyang may bahay Mayora Marieden Isaac
201st Infantry “Kabalikat” Brigade Philippine Army
PPC, PFC, GEMSKO, mga samahang banal, at mga parokyano na sama-samang nag-alay ng panalangin at suporta para sa mahalagang proyektong ito.
Ang pagpapatayo ng bagong simbahan ay hindi lamang pagtatayo ng isang gusali kundi isang matibay na patotoo ng ating buhay na pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal sa Diyos. Nawa’y patuloy Niyang pagpalain ang gawaing ito at ang lahat ng mga taong nag-aambag upang maisakatuparan ang pangarap na ito para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.
“Maliban na ang Panginoon ang magtayo ng bahay, walang kabuluhan ang pagpapagal ng mga nagtayo nito.” (Awit 127:1)

