
“Sa biyaya at pagmamahal ng Panginoon, ating sinisimulan ang banal na pagdalaw ng Imahe ng ating patron na si Saint Anthony of Padua sa iba’t ibang Munting Sambayanang Kristiyano (MSK). Nawa sa bawat tahanan at pamayanan na Kanyang dadalawin ay mapuno ng biyaya, kapayapaan, at mas matibay na pananampalataya. Ang pagdalaw na ito ay hindi lamang isang tradisyon, kundi isang paanyaya upang higit nating mapalalim ang ating relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, pagkakaisa, at paglilingkod.”
“Kasama ng ating patron, nawa’y maging buhay ang diwa ng pagmamahalan at pagtutulungan sa bawat pamilya at komunidad. Maligayang pagsalubong sa Poong San Antonio de Padua!”

