Flores De Mayo

Flores de mayo

Sa buong buwan ng Mayo, sama-sama nating ipinagdiwang ang Flores de Mayo bilang pag-aalay ng mga bulaklak, panalangin, at debosyon kay Mahal na Birheng Maria. Higit pa sa isang tradisyon, ito ay paalala ng ating pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng ating pagtulad sa kababaang-loob at katapatan ni Maria.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng pagdiriwang na ito. Nawa’y patuloy na mamukadkad ang ating pananampalataya tulad ng mga bulaklak na ating inialay, at magsilbing inspirasyon si Mama Mary upang tayo’y manatiling matatag sa ating paglilingkod, pananalangin, at pagmamahal sa kapwa.

Scroll to Top